Manila, Philippines – Iimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na pananabotahe sa operasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).
Matatandaang noong Huwebes, kumalas ang dulong bagon ng tren ng MRT sa pagitan ng Ayala at Buendia.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, humingi na sila ng tulong sa nbi para magsagawa ng imbestigasyon.
Samantala, sa kabila ng mga panawagan na itigil muna ang operasyon ng MRT, tiniyak ng operations director nito na si Michael Capati na ligtas pa ring sakyan ang mga tren nito.
Facebook Comments