NBI, papasok na sa imbestigasyon sa pagpatay sa isa na namang abogado sa Cebu City

Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay sa isa na namang human rights lawyer sa Cebu City.

Si Atty. Rex Jesus Mario Fernandez ay sakay ng kaniyang kotse nang tambangan ng gunman.

Sa direktiba ni Guevarra, inatasan nito ang NBI na magsagawa ng case build-up at agad na kasuhan ang mga nasa likod ng krimen sa sandaling makakalap sila ng mga ebidensya.


Pinagsusumite rin ng kalihim ang NBI ng development sa imbestigasyon nito sa loob ng 10 araw at hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon.

Facebook Comments