NBI, papasok na sa imbestigasyon sa umanoy muling pamamayagpag ng iligal ng droga sa Bilibid

Manila, Philippines – Iimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation ang sinasabing muling pagbabalik ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Sa Department Order ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay NBI Director Dante Gierran, inatasan nito ang NBI na pumasok na sa pag-iimbestiga.

Sa nasabi ding kautusan pinasasampahan ng kasong administratibo at kriminal kung sino man ang nasa likod ng sinasabing muling pamamayagpag ng iligal na droga sa bilibid.


Palagian ding pinag-uupdate si Gierran ni Aguirre hinggil sa development ng nasabing imbestigasyon.

Kaninang umaga boluntaryong isinurender ng sputnik group ng quadrant 3 ang 31 plastic sachet ng shabu at bandang alas 3:30 naman ng hapon isinuko ng sputnik sa Bucor ang 4 pieces small plastic sachet of shabu, 1 piece big plastic sachet of shabu, 2 pieces icepick at 1 piece cellular phone.

Facebook Comments