Admirer ni Erich Gonzales – tinawag na scammer ng isang netizen

Manila, Philippines -Tinawag na scammer ng isang female netizen si Xian Gaza – ang batang CEO ng isang Hong Kong-based company na kamakailan lang ay nagviral dahil sa billboard invitation nito sa aktres na si Erich Gonzales.

Sa isang twitter post, sinabi ni Dewanie Catapang na gusto lang sumikat ni Xian kaya niya ito ginawa.

Katunayan, isang charity project aniya ang pinamunuan noon ni Xian kung saan nagbebenta sila ng mga t-shirt at mapupunta ang kita sa mga biktima ng Yolanda.


Pero kalaunan, hindi na nila nakontak si Xian.

Wala pa namang inilalabas na pahayag si Xian tungkol sa alegasyon.

Facebook Comments