MANILA – Patuloy na nakikipag-ugnayan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagdadalahan sa drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa oras na makauwi na ito sa bansaAyon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre Ii – dadalhin muna sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Espinosa.Aniya, bukas sila sa magiging testimonya ni Kerwin at posibleng magamit sa isyu laban kay Senador Leila De Lima.Gayunpaman, sobra-sobra pa rin aniya ang hawak nilang ebidensya at ipinauubaya na sa five-man panel ang pagsasampa ng reklamo laban sa Senadora.Samantala, sinabi rin ni Aguirre na handa ang Department of Justice na isailalim sa witness protection program si Kerwin kung makikipagtulungan ito sa mga otoridad.Aniya, kailangan din ni Kerwin ng proteksyon dahil sa posibleng banta sa buhay kasunod na rin ng pagkamatay ng kanyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Nbi – Patuloy Na Nakikipag-Ugnayan Sa Pnp Kaugnay Sa Paglalagyan Ni Kerwin Espinosa Oras Na Makabalik Na Ng Bansa
Facebook Comments