NBI, pinakilos na ng DOJ para imbestigahan ang sunud-sunod na iligal na bentahan ng mga bakuna kontra COVID-19

Tutulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon hinggil sa sinasabing paglipat ng 15 Sinovac doses mula sa provincial vaccination center ng Northern Samar patungo sa bahay ng isang politiko sa bayan ng Catarman.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, may basbas na siya sa NBI para imbestigahan ang mga bentahan o iligal na pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa ilang lugar

Sinabi pa ni Sec. Guevarra na handa ring tumulong ang NBI sa Philippine National Police (PNP) at sa Provincial Board ng Northern Samar para sa nasabing imbestigasyon.


Hindi naman pinangalanan ang pulitiko na nasa likod ng pagpupuslit ng mga bakuna ng Sinovac.

Facebook Comments