NBI, pumasok na rin sa imbestigasyon sa sinasabing “pastillas modus” na kinasasangkutan ng immigration personnel

355

Pumasok na rin ang NBI sa imbestigasyon hinggil sa nabunyag na “pastillas scheme” na kinasasangkutan daw ng ilang immigration personnel na sinasabing tumatanggap ng suhol kapalit ng pag-escort sa Chinese Philippine Offshore Gaming Operator o POGO workers.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakatakda silang maglabas ng update kaugnay ng on-going na imbestigasyon ng NBI.


Tiniyak naman ni Justice Undersecretary Markk Perete, na masusing tinututukan ng Department of Justice o DOJ ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa expose’ ni Senadora Risa Hontiveros.

Suportado rin ng DOJ ang ginagawang imbestigasyon ng tanggapan ni Immigration Commissioner Jaime Morente laban sa sindikato sa loob ng BI.

Facebook Comments