Panukalang magpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN hanggang 2022, inihain sa Senado

544

Inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang Senate Joint Resolution No. 11 na humihiling na mapalawig hanggang December 31, 2022 ang prangkisa ng ABS-CBN na magtatapos na ngayong March 30, 2020.

Layunin ng panukala ni Drilon na magkaroon ng sapat na panahon ang mataas at mababang kapulungan para mapag-aralang mabuti ang aplikasyon ng ABS-CBN para franchise renewal.


Tinukoy din sa resolusyon ni Drilon na nasa 12 panukala na ang nakahain sa House of Representatives na sumusuporta sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ipinunto pa ni Drilon, na kapag hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ay halos 11,000 mga empleyado nito ang mawawalan ng trabaho.

Facebook Comments