NBI, sinubukang i-block ang isang negative advertisement laban kay PRRD

Manila, Philippines – Ibinunyag ng technology company na Google na sinubukan ng National Bureau of Investigation (NBI) na i-block ang isang YouTube video laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay nangyari ilang buwan pagkatapos niyang manalo sa pagka-presidente sa 2016 elections.

Base sa transparency report tungkol sa government request for content removal, lumalabas na ang Philippine government ay hiniling ang pagtatanggal ng nasa 80 content sa iba’t-ibang platform ng Google mula noong 2009.


Mula sa nasabing bilang, 32 rito ay ginawa sa unang dalawang taon ng Duterte administration.

Kinabibilangan ito ang request ng NBI na tanggalin ang isang negative political campaign advertisement laban sa Pangulo sa pagitan ng July hanggang December 2016.

Katwiran ng gobyerno, maituturing itong defamation, government criticism at bullying.

Ayon sa Google, hindi pa nila naitu-turn down ang YouTube video.

Bukod dito, nag-request din ang NBI na alisin ang walong news articles mula sa Google search.

Samantala, sa ilalim naman ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, nag-request din ito sa Google na alisin ang 48 items sa loob ng anim na taong termino nito.

Facebook Comments