NBI, target na makapagsampa ng kaso laban sa Kapa sa susunod na linggo

191

Umaasa ang National Bureau of Investigation (NBI) na makakapaghain sila sa Department of Justice (DOJ) ng kasong kriminal laban sa Kapa-Community Ministry International dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.

Ito ang target na timeline ng NBI matapos magsagawa ng nationwide raid sa mga opisina ng religious group bitbit ang search warrants.


Ayon kay NBI-NCR Director Cesar Bacani – inaasahang makakapagsampa sila ng kaso sa susunod na linggo.

Nakumpiska aniya sa mga raid ang iba’t-ibang dokumento, record, libro at kagamitan na gagamitin sa paghahain ng mga kaso.

Ang mga masasampahan ng kaso ay mga nakapangalan sa registration, mga incorporators, board of directors, officers at iba pang tao na hindi pinangalanan pero aktibong kasali sa operasyon.

Facebook Comments

From Advertisers