Tutulong na rin sa gobyerno ang National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng imbestigasyon sa posibleng hoarding ng mga oxygen tanks at medical supplies sa gitna ng laban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nagsimula na noong nakaraang taon ang imbestigasyon ng NBI sa hoarding at pagpatong sa presyo ng mga medical supplies.
Nagbigay direktiba naman ito sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang ulat na maraming medical supplies sa Cebu ang ginamit sa hoarding.
Maliban sa NBI, mahigpit na ring babantayan ng Department of Health ang sinumang magsasamantala sa pagbebenta ng oxygen tanks sa bansa.
Facebook Comments