NBI, umaksyon na sa online death threat na natanggap ni Angel Locsin at iba pang stars ng ABS-CBN

1969

Kaagad umaksyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Instagram post ni Angel Locsin tungkol sa netizen na nag-alok ng 200-million pesos na reward money kapalit ng kanyang buhay.

Bukod kay Angel, pinangalanan din sa online death threat ang ilan pang kapamilya stars katulad nina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Coco Martin, at ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak.

Ayon sa NBI, sineseryoso nila ang anumang death threat kaya kung pakiramdam daw ni Angel at ng iba pang Kapamilya stars na seryoso ang pagtatangka sa kanilang buhay ay pwede silang makipag-ugnayan sa tanggapan.


Nabatid na idinaan na lamang ni Angel sa kanyang Instagram account ang paglapit sa NBI tungkol sa banta ng netizen.

Kasama ng kanyang post ang dalawang screenshots ng pananakot sa aktres at sa iba pang personalidad ng ABS-CBN.

Sa ngayon, hindi malinaw kung pormal nang naghain ng reklamo si Angel sa NBI.



Facebook Comments