Wanted sa Kasong Adultery, Arestado!

143

Cauayan City, Isabela- Naaresto ng mga otoridad ang isang magsasaka na wanted sa Kasong Adultery sa Brgy. Ramos West, San Isidro, Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Rodrigo Pascua Jr ng 14th MCTC Ramon-San Isidro Isabela ay inaresto ang akusado na si Loreto Pagtacunan, 47 atong gulang at residente ng Brgy. Ramos ng naturang bayan.

Ang kasong adultery o pakikiapid ni Pagtacunan ay may kaukulang piyansa na Php12,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dakong alas 6:30 lamang ngayong umaga nang mahuli ng mga elemento ng PNP San Isidro si Ramos at ngayo’y nasa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at anumang oras ay dadalhin sa court of origin.

Facebook Comments