
Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala pa silang ipinadalang subpoena kaugnay ng reklamong inihain laban sa actress na sina Rhian Ramos at beauty queen Michelle Dee.
Ayon kay NBI Director Angelito Magno, hinihintay pa nila ang report mula sa kanilang mga ahente na humahawak sa kaso.
Tiniyak din ni Magno na patuloy pa ang validation ng NBI sa statement ng nagrereklamo at sa mga inaakusahan.
Isa rin sa mga tinitingnan ng NBI ay kung totoong nasa Iloilo si Michelle Dee noong January 17 tulad ng depensa ng beauty queen.
Sisikapin din ng NBI na makakuha ng kopya ng CCTV footage mula sa condominium unit ng aktres.
Facebook Comments










