NCAA MVP Calvin Oftana, nagsumite na ng aplikasyon para sa PBA Rookie Draft

40

Nagsumite na si reigning NCAA Most Valuable Player (MVP) Calvin Oftana ng kanyang aplikasyon para lumahok sa PBA Rookie Draft.

Una nang pinangunahan ni Oftan ang Red Lions sa runner-up finish kontra Colegio de San Juan de Letran noong huling NCAA season.


Batay sa PBA website, si Oftana ang pangatlong miyembro ng Gilas Pilipinas na nag-apply para sa draft ngayon linggo kasunod ng teammates nito na sina William Navarro at Jaydee Tungcab.

Magsisimula ang PBA draft sa March 14 sa pamamagitan ng online.

Facebook Comments