NCCC MALL FIRE | Sanhi ng sunog, natukoy na!

Davao City – Electric short circuit ang sanhi ng malagim na sunog sa NCCC mall sa Davao City.

Ayon kay Inter-Agency Anti-Arson Task Force Spokesperson Supt. Jerry Candido – ito ay base sa resulta ng isinagawa nilang laboratory test sa galvanized foiling mula sa pinangyarihan ng sunog.

Nangyari aniya ang short circuit sa kisame sa third floor sa pagitan ng furniture at fabric section kaya mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang opisina ng Texas-Based Call Center Company na Research Now SSI kung saan 37 ang namatay.


Una nang pinuna ng otoridad ang paglabag ng gusali sa fire safety requirements partikular sa fire exit, fire alarm at hindi gumaganang sprinkler system.

Facebook Comments