NCIP Director, Kinondena ang Panghihikayat ng Rebeldeng NPA sa mga Kabataan

Cauayan City, Isabela- Mariing kinondena ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Quirino sa pangunguna ni Director Simplicia Hagada ang patuloy na pagsasamantala ng New People’s Army (NPA) sa mga miyembro ng katutubo partikular ang mga Tribung Agta sa lalawigan ng Quirino.

Ayon kay Director Hagada, ang panghihikayat sa mga menor de edad at katutubo ay kinakailangan na matigil at hindi rin dapat pinagsasamantalahan ang kanilang kahinaan.

Ito ay makaraang sumuko ang limang (5) batang Agta noong Oktubre 26 sa kasundaluhan ng 86th Infantry (Highlander) Battalion.


Bago ang kusang-loob na pagsuko nila alyas Daren, Dario, LenLen, Jackson at Lea, na kapwa mga katutubong Agta, kanilang inihayag na sila ay pwersahan kinuha ng mga miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley at pinangakuan pang pag-aaralin.

Dahil sa hirap at maling pangako ng NPA, nagdesisyon silang umalis sa grupo at magbalik-loob sa pamahalaan.

Samantala, pinuri naman ni Lieutenant Colonel Ali A Alejo, Commanding Officer ng 86IB ang pagsuko ng limang (5) NPA.

Ayon kay LTCol. Alejo, ang sapilitang panghihikayat ng mga rebeldeng grupo at pagpapakita lamang ng pagkadesperado na maiangat ang kanilang pwersa dahil sila ay nasa bingit na ng pagbagsak.

Aniya, malaking kawalan sa panig ng CPP-NPA ang pagsuko ng mga Agta sa lalawigan ng Quirino.

Hinimok din ni Dir. Hagada ang iba pang natitirang Agta na isuko na ang kanilang sarili sa mga otoridad habang ang ELCAC clusters ng pamahalaan ay magbibigay ng kinakailangang tulong para sa pagsisimula ng bagong buhay.

Facebook Comments