Handa ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na tumulong sa contact tracing ng Department of Health (DOH).
Ito ay makaraang maitala ang ika-lima at unang kaso ng local transmission ng COVID-19 sa bansa, isang 62-anyos na lalaking pilipino.
Walang travel history sa abroad ang pasyente pero madalas umano itong pumunta sa Muslim Prayer Hall sa San Juan City.
Ayon kay NCMF Director for Bureau of Eternal Relations Jun Alonto Datu Ramos, tiyak na makakatulong sila sa contact tracing pero naghihintay pa sila ng instruction mula sa DOH.
Kasabay nito, hinikayat ni ramos ang kanyang mga kapwa Muslim na manatiling kalmado at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan.
Facebook Comments