Rekomendasyon ng DOH hinggil sa posibleng suspensyon ng klase dahil sa COVID-19, hihintayin ng DepEd

Handa ang Department of Education (DepEd) na sumunod sa magiging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng suspensyon ng mga klase dahil sa banta ng COVID-19.

Sa ipinalabas na official statement ng DepEd, nakasaad na hihintayin nila ang “Definitive Advisory” ng Inter-Agency Task Force for the management of emerging infectious disease bago sila magpatupad ng anumang hakbang.

Samantala, suspendido na ang klase sa mga paaralan sa San Juan City at Cainta Rizal bukas, March 9.


Patuloy ding umaapela si Navotas Mayor Toby Tiangco sa DepEd na suspendihin na ang klase sa mga paaralan lalo at ilang linggo na lang naman aniya ang nalalabi para sa 2019-2020 school year.

Facebook Comments