NCMF, nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pagpanaw ni MILF Vice Chairman Gadzali Jaafar

 

Kinilala ng National Commission on Muslim Filipinos ang naging ambag ni MILF 1st Vice Chairman Gadzali Jaafar sa pag-usbong ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

Nagpaabot na rin ng pakikiranay ang NCMF sa pamilya ni Jaafar na sumakabilang buhay  kaninang madaling araw.

 

Sa inilabas na pahayag ni NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, naging instrumento si Jaafar sa pag-usbong  ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at kilala  bilang manggagawa na mabait at mapagmalasakit na lider.


 

Nakilala siya sa kanyang mga tagumpay sa proseso ng kapayapaan sa Muslim Mindanao at minahal na ng komunidad.

 

Tinagurian siyang Amerul Hajj para sa taong 2018 at miyembro ng BARMM Parliamentary Body.

 

Nagpapasalamat ang NCMF kay Jaafar dahil sa kanyang walang pag-iimbot na serbisyo at ipinakitang pagmamahal sa bayan.

 

Hindi siya makakalimutan dahil sa panahon ng nalalabi niyang buhay ay nagawa niyang saksihan ang ratipikasyon ng pinakahihintay na Bangsamoro Organic Law.

 

Ang MILF ay nawalan ng higit pa sa isang lider na tulad ng pagkawala ng isang  ama.

 

Facebook Comments