NCMH, inuulan ng mga tawag mula sa mga nagpapakonsulta sa mental health issues

Dumadagsa na ang tawag sa National Center for Mental Health (NCMH) mula sa mga indibidwal na nagpapakonsulta hinggil sa mental health issue.

Kinumpirma ito ni NCMH Chief Dr. Roland Cortez sa ginanap na Zoom conference sa Department of Health (DOH)-media.

Ayon kay Dr. Cortez, karaniwang naidudulog sa kanilang problema ay depression at anxiety sa harap ng lockdown kabilang na ang pagkabahala sa pinansyal na kalagayan.


Tiniyak naman ni Cortez na may sapat silang mga tauhan na tumutugon sa tawag ng mga nagpapakonsultang mamamayan.

Tiniyak din ng NCMH chief ang pagtutok nila sa kanilang 3,200 na mga pasyente sa harap ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma rin ni Cortez na kinukupkop nila ang kanilang frontliners na nahihirapang umuwi at kapag sumobra sa oras ang kanilang duty ay binabayaran ang kanilang overtime.

Maging ang mga staff aniya nilang nagkakasakit ay ina-ayudahan nila at ang mga nagpopositibo sa COVID-19 ay dinadala sa mga referral hospital.

Patuloy din aniya ang kanilang pagtanggap ng mga donasyon para sa institusyon at tiniyak nito na dumaan ito sa transparency at masusing accounting.

Facebook Comments