NCMH, nagbukas ng 24/7 hotline para sa mga nakakaranas ng pagkabalisa dulot ng COVID-19.

May mensahe sa publiko ang pamunuan ng National Center for Mental Health(NCMH) kaugnay sa kahalagahan ng pangangalaga sa malusog na kaisipan ngayong nahaharap ang bansa at buong mundo sa pandemya dulot ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Roland Cortez, Chief ng NCMH, ang COVID-19 Pandemic ay nagbunsod ng takot at pagkabalisa sa buong mundo. Maraming buhay na ang nawala sanhi nitong sakit. Batid na natin ngayon kung paano atakehin ng COVID-19 ang katawan ng tao.

Aniya, madalas ay nakatuon lamang ang pansin natin sa kung paano lalaban o maiiwasan ang karamdaman subalit nakaliligtaan natin kung paano pangalagaan ang ating pag-iisip o mental health.


Sa kasalukuyan aniya, tayo ay namumuhay sa napaka-mapanghamon na panahon. Lugmok ang buhay ng tao ngayon at matatagalan pa bago tayo makaagapay sa new normal. “Understandably, our stress levels are at an all-time high. Yet, many (if not, all) of us would like to con- ceal our strong emotions because we don’t want to make things even worse for ourselves or our family and friends. Then again, the uncertainty of our current situation is also overwhelming. In his most recent weekly report about the government’s efforts against the COVID-19, President Rodrigo Duterte acknowledged that we need effective coping mechanisms to help maintain our well-being and equilibrium.” Saad ni Dr. Roland Cortez.

At bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng mental health care sa publiko, sinabi ni Cortez na nagbukas ang National Center for Mental Health (NCMH) ng kanilang 24/7 Crisis Hotline.

Sinuman aniya na nakararanas ng anxiety o iba pang mental health issues ay tumawag lamang 0917-899-USAP (8727) o 8989-USAP (8727).

Aniya, kadalasan ay kailangan lamang ng isang indibiduwal ba may makausap. Huwag Aniya mag-atubili ang mga ito na sila ay tawagan. Handa aniya silang pakinggan ang mga ito. Handa din silang ipagkaloob ang kanilang attention, compassion, at expertise sa mga nangangailangan. Ika-nga : “It’s okay to not be okay.” We are here to assure you that what you are feeling is perfectly normal and that we are here to help you through it. Pagtatapos ni Cortez.

End

Facebook Comments