NCMH, nakatanggap na ng higit 50 tawag para magpasaklolo hinggil sa suicide

Mas dumami pa ang mga tawag na natatanggap ng National Center for Mental Health (NCMH) simula nang ipatupad ang quarantine protocol dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa tala ng NCMH, mula 400, umabot na sa halos 900 na tawag kada buwan ang natanggap ng kanilang crisis hotline simula Marso hanggang ngayong Agosto.

Umakyat naman sa 53 na tawag ang natanggap ng NCMH para sa mga nagpapasaklolo kaugnay ng pagpapatiwakal o suicide.


Ang mga palatandaan na dapat tulungan ang isang taong na posibleng nakararanas ng depresyon o axienty ay mga nag-se-self isolate, hindi nakakatulog, walang ganang kumain, irritable at hindi na ginagawa ang mga nakasanayan nitong gawain.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maraming grupo ang handang tumulong at maaaring tawagan ng mga nangangailangan.

Dagdag pa ni Vergeire, ugaliing kumustahin ang ating pamilya at mga kaibigan lalo na sa panahon ngayong na dumaranas ang buong mundo ng pandemya.

Facebook Comments