NCOV, delikado kung maghalo sa usok ng sasakyan at singaw ng sewage systems, ayon sa Filipino Inventors Society

Mas grabe pa sa novel coronavirus (nCoV) ang nagbabanta sa Metro Manila sakaling humalo ito sa usok galing sa mga sasakyan at sa singaw ng mga sewage pipe ng mga households.

Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Orando Marquez na dati ring presidente ng Filipino Inventors Society, delikadong humalo ang nCoV sa dalawang umiiral na pollutants.

Mas grabe pa aniya ang panganib nito sa nCoV kung maihalo dito ang usok ng sasakyan dulot ng matinding traffic at ang biomethane gas na galing sa hindi napasipsip na mga kubeta ng kasambahayan.


Nanghihinayang si Marquez, dahil matagal nang sinisingil ang sambayanan ng sewerage fee, pero wala pang aksyon ang dalawang water companies na isakatuparan ang maayos na sewerage system, alinsunod sa nilalaman ng kanilang kasunduan.

Nakiusap din siya sa mga vehicle owners na huwag itapon sa kanal ang nalinis na langis ng kanilang sasakyan.

Napapanahon na din, aniya na mai-deliver ng gobyerno ang kontinente at ligtas na bagong sasakyan sa publiko.

Facebook Comments