Pinayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) sa NCR Plus bubble na ituloy ang pamamahagi ng cash aid kung bigo nilang matapos ito noong May 25 deadline.
Pero sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na pagpapaliwanagin ang mga LGUs na hindi makakasunod.
Bagamat ang cash aid distribution sa NCR plus ay itinakda noong May 15 ay nagbigay sila ng karagdagang 10 araw para sa mga LGUs na hindi pa tapos sa pamamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng mahigpit na lockdown.
Nabatid na nasa 99.6% tapos ang pamamahagi ng ayuda o may disbursement rate na ₱22.8 billion para sa NCR plus beneficiaries.
Facebook Comments