NCR LGUs, pinayuhan ng MMDA na i-adopt ang water crisis mitigation measures sa harap ng El Niño

Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang local government units (LGUs) sa Metro Manila na i-adopt ang water crisis mitigation measures sa harap ng El Niño na tatagal hanggang Mayo.

Layon ng resolusyon ng Metro Manila Council na maibsan ang mas matinding epekto ng tagtuyot.

Kabilang dito ang pagbabawas ng paggamit ng tubig sa mga golf courses at sa paglilinis ng mga sasakyan, gayundin ang pag-recycle ng tubig na pandilig sa mga halaman, pag-ayos ng mga butas na tubo ng tubig at ang pag-develop ng water filtration systems.


Magde-develop din ang MMDA ng basic designs para sa rainwater catchment system na ibabahagi sa LGUs sa Metro Manila.

Facebook Comments