13 Vietnamese na iligal na nagpapatakbo ng health spa at clinic, inaresto ng BI sa magkahiwalay na operasyon sa Makati, Paranaque, at Pasay

Arestado ang 13 Vietnamese na iligal na nagpapatakbo mula sa apat na magkahiwalay na operasyon sa Makati, Paranaque, at Pasay.

Ito’y matapos makatanggap ng impormasyon ang Bureau of Immigration (BI) na ang maling pagpapatakbo ng health spa at clinics na walang permit.

Dahil dito, hinikayat ng Immigration ang mga local government units (LGUs), barangays, at community members na i-report ang mga iligal na dayuhan sa kanilang mga lugar para agad maaresto at mai-deport.


Ang mga nasabing pasilidad ay bigo rin magpakita ng dokumento sa panahon ng pag-aresto, kaya’t maituturing na sila ay mga undocumented alien.

Samantala, kasalukuyan ng nasa BI warden facility sa may Bicutan sa Taguig ang nasabing mga Vietnamese habang inaasikaso na ang kanilang deportation papers.

Facebook Comments