Aabot sa halos 3,000 baboy ang ipapadala sa Metro Manila mula sa Western Visayas at General Santos City para mapatatag ang presyo ng pork products.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nasa 1,350 na baboy ang dumating sa Talao-Talao Port sa Lucena City, mula General Santos at ibiniyahe sa Metro Manila lulan ng 13 trucks.
Mayorya ng shipment, na nasa kabuuang 875 na baboy ay galing sa Q Pigs at Wilco Farms sa GenSan at South Cotabato.
Ang Department of Agriculture (DA) Region 6 ay nagpadala ng nasa 1,600 na baboy na nagkakahalaga ng 24 million sa Metro Manila.
Ang mga baboy ay mula sa mga backyard raisers sa apat na probinsya sa Panay Island.
Sinabi ni Dar na inaasahang tataas ang pork supply at mapapababa ng presyo sa Metro Manila na mayroong 4,000 daily average hog requirement.