Irerekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim pa rin sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) kung mananatiling mas mababa sa 70 percent ang healthcare utilization rate ng rehiyon.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nasa 56 percent ng Intensive Care Unit (ICU) beds sa NCR ang okupado na habang 55 percent ng isolation bed ang sa ngayon ay ginagamit.
Aniya, ibig sabihin nasa moderate risk classification pa rin ang Healthcare Utilization Rate (HCUR) sa NCR.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na ‘manageable’ pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Pero itong pagtaas ngayon nitong January na ito, nakita namin na hindi na pareho ang trajectory ng pagtaas ng bilang ng kaso. So, ang bilang ng kaso natin kahapon 32,000 at saka the other daw mga 28 and 33,000, nakikita natin na iyong hospitalization ay nasa low risk category pa rin ang buong bansa. At saka iyong dito naman sa Metro Manila nasa border line ng low risk at saka moderate risk at 60%. Kaya very manageable at this time at saka kakaiba talaga compared with the last wave na nakita natin with the Delta variant,” ani Vega