Nakaranas ang National Capital Region (NCR) ng “Valentine spike” kasunod ng pagdoble ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kahapon.
Nabatid na mula sa 301 new COVID-19 cases sa NCR noong February 15 ay sumipa ito sa 632 kahapon.
Dahil dito, tumaas din ng naitalang bagong kaso sa bansa kahapon na nasa 2,671 na mas mataas sa projected range ng OCTA Research Group na 2,000 hanggang 2,500.
Samantala, naniniwala naman si UP-OCTA Research fellow Dr. Michael Tee na masyado pang maaga para sabihing epekto ng Valentine’s Day ang pagtaas ng bagong kaso sa NCR.
Sa halip, posibleng bunsod pa aniya ito ng backlog.
Facebook Comments