78 katao, patay sa landslide at flashflood sa Brazil

Hindi bababa sa 78 katao ang nasawi sa nangyaring pagbaha at landslide sa city of Petropolis sa Brazil bunsod ng tatlong oras na walang-tigil na pag-ulan.

Nagmistulang ilog ang mga lansangan sa lugar na tumangay rin sa maraming mga bahay.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng casualties dahil nagpapatuloy pa ang rescue at retrieval operations sa hills north ng Rio De Janeiro na kilalang scenic tourist town.


Samantala, 21 naman ang naisalba habang nasa 300 indibidwal ang dinala sa mga evacuation center.

Inilagay na sa “state of disaster” ang Petropolis habang nagdeklara rin ng tatlong araw na pagluluksa para sa mga biktima.

Facebook Comments