Naniniwala ang OCTA Research Group na nananalo na laban sa mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 ang Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, kasalukuyan nasa 0.63 na lamang ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng virus sa Metro Manila na huling naitala noon pang Hulyo 31.
Habang nasa 12 percent naman ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Sa kabila nito, umaasa si David na hindi ito magiging dahilan para maging kampante ang lahat lalo na’t nakakapagtala pa rin ng pagtaas ng kaso sa ibang probinsiya.
Giit pa ni Guido, nananatili pa rin ang banta ng COVID surge lalo na sa Metro Manila dahil marami pa rin ang hindi nababakunahan kontra sa nasabing sakit.
Facebook Comments