Nanatili sa very low risk ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, aabot na lamang sa 105 ang average ng mga bagong kaso sa NCR mula December 1 to 7.
Sa NCR, mas mababa na sa 1 o .74 kada araw ang population ang Average Daily Attack Rate (ADAR).
Napababa na rin ang reproduction number sa NCR na aabot sa .34 habang 1.1 percent naman ang positivity rate.
Ilang Local Government Unit (LGU) naman ang very low risk kabilang ang Malabon, Navotas, Caloocan, Pateros, Valenzuela, Marikina, Manila, Parañaque, Pasay, Las Piñas at Mandaluyong.
Ang ibang LGUs naman ay nasa low risk category.
Facebook Comments