NCR, nananatiling nasa low-risk classification ng COVID-19

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nananatili sa low-risk classification ang Metro Manila ng COVID-19.

Ito ay taliwas sa napaulat na nasa moderate risk ang National Capital Region (NCR).

Ayon pa sa DOH, bagama’t nakapagtala na ng positive two-week growth rate ang NCR o dalawang linggong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, mababa pa rin ang ADAR o Average Daily Attack Rate gayundin ang healthcare utilization rate


Sa ngayon, ang ADAR ay mas mababa pa sa anim kada 100,000 na populasyon.

Nilinaw rin ng DOH na ang nakaka-alarma ay kapag pumalo na sa 818 ang kaso kada araw.

Hanggang mababa anila ang bilang ng mga na-oospital lalo na ang mga malala o severe at kritikal na kaso ay mananatili ang Metro Manila sa Alert Level 1.

Facebook Comments