Operasyon ng e-sabong, lumilitaw na pinayagan kahit hindi dumaan sa complete staff work

91

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, lumilitaw na hindi dumaan sa complete staff work bago pinahintulutan ang operasyon ng e-sabong.

Sinabi ito ni Drilon makaraang mag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi niya agad pinahinto ang operasyon ng e-sabong sa kabila ng masamang dulot nito.

Diin ni drilon, dapat talagang dumaan sa complete staff work ang isang patakaran bago ito ipatupad para mayroon itong suporta at batayan.


Inihalimbawa ni Drilon si dating Pangulong Fidel Ramos na kilala sa pagsusulat ng complete staff work in bold and capital letters kapag nakita niyang wala o hindi sapat ang suporta sa isang inirerekomendang patakaran.

Facebook Comments