NCR, napagtala ng mataas na bagong kaso ng COVID-19 kahapon

Nanguna ang National Capital Region (NCR) kahapon sa mga rehiyon at probinsya sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Batay sa inilabas na datos ng OCTA, umabot sa 1,399 ang naitalang mga bagong kaso ng sakit sa NCR.

Pumangalawa naman ang Cavite na may 319, pumangatlo ang Laguna na may 259 at sumunod ang Rizal na mayroong 141.


Narito naman ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa ilang probinsya:

  • Batangas – 132
  • Bulacan – 126
  • Cebu- 124
  • Pampanga- 122
  • Benguet – 113
  • Iloilo- 104
  • Davao del Sur- 91
  • Bataan- 75
  • Pangasinan- 74
  • Cagayan- 61
  • Isabela- 61
  • Nueva Ecija -56
  • Quezon- 54
  • Camarines Sur- 46
  •  Misamis Oriental – 44
  •  La Union- 42

Samantala, sinabi ng Department of Health (DOH) na nananatili pa rin sa low risk classification ng COVID-19 ang Pilipinas.

Facebook Comments