Iniwang pinsala ng magnitude 7 na lindol sa Abra sa sektor ng agrikultura sa Northern Luzon, sumampa na sa mahigit P28.7 milyon

104

Pumalo na sa mahigit P28.7 milyon ang kabuuang pinsala sa agrikultura sa Northern Luzon kasunod ng pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Abra noong Miyerkules.

Batay sa talaan ng Department Of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management (DA-DRRM), matinding naapektuhan ang irrigation systems, farm-to-market roads at farm structures sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region.

Habang, umabot na sa mahigit P19 milyon ang lugi sa irrigation systems ng dalawang rehiyon at P9 milyon naman ang kabuuang pinsala ng sektor ng agrikultura sa Abra.


Kaugnay nito, agad naman nagparating ng tulong ang DA upang mamahagi ng food suply sa apektadong lugar.

Facebook Comments