Hindi bababa sa limang ospital sa Metro Manila ang mino-monitor ngayon ng Department of Health (DOH) dahil sa tumataas na bilang ng mga pasyenteng naa-admit dahil sa COVID-19.
Sabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, bagama’t below 50% ang hospital utilization rate sa bansa, 13 lugar naman sa National Capital Region (NCR) ang nasa moderate risk na ng COVID-19.
As of September 26, tumaas sa 26% ang bed occupancy sa bansa kung saan 7,446 na kama na ang okupado habang 21,210 pa ang bakante.
Ayon kay Vergeire, kasalukuyang nasa “minimum level” ang severe at critical admissions sa bansa.
Facebook Comments