Pagkilala sa identity ng mga nadakip na illegal Chinese POGO workers, sinimulan na

41

Inumpisahan na ng gobyerno ang pagkumpirma sa pagkakakilanlan ng mga naarestong illegal Chinese POGO workers.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na nakikipagpalitan na ng impormasyon ang Bureau of Immigration sa Chinese Embassy para matukoy ang POGO employees.

Ayon sa kalihim, sa oras na makumpirma at matiyak ang identity ng Chinese nationals ay maaari nang simulan ang deportation sa mga ito.


281 Chinese POGO employees ang nasa kustodiya ng gobyerno sa Pampanga.

Una nang sinabi ni Remulla na posibleng sa ngayong linggo o sa susunod na linggo ay masimulan na ang deportation sa illegal Chinese POGO workers.

Facebook Comments