Good news!
Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, nasa “moderate risk” na ngayon ang National Capital Region.
Ayon sa OCTA Research Group, pumalo na lang sa 0.81 mula sa 0.83 ang reproduction number o bilang ng nahahawa sa virus sa Metro Manila ngayong araw.
Mula sa 7-day average ng mga bagong kaso sa NCR, bumaba na ito ngayon ng 28% habang ang positivity rate ay nasa 16% ang ibinaba.
Nasa 22.34 percent na lang din ang Average Daily Attack Rate sa Metro Manila.
Kabilang sa mga lungsod sa Metro Manila na nasa moderate risk na ay ang Malabon, Manila, Navotas, Pasay, Parañaque, Valenzuela, Taguig, at Mandaluyong.
Facebook Comments