NCR Palaro 2020, hindi matutuloy ngayong buwan ayon sa DepEd

Kinompirma ng Department of Education o DepEd na kanselado ang gagawing National Capital Region o NCR Palaro 2020 ngayon buwan.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, natalang gaganapin ang na nasabing palaro sa Pebrero 23 hanggang 28 ngayong taon.

Pero dahil sa 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease o 2019 nCoV-ARD, aniya, iniurong ‘to sa susunod na buwan Marso 15 hanggang 20 taon kasalukuyan.


Dagdag ng kalihim, isa ito sa mga hakbang para matiyak na walang magkakasakit na mga mga magaaral na lalahok sa nasabing palaro.

Nauna nag sinuspende ng DepEd ang National Science and Technology Fair, National Festival of Talents at National Schools Press Conference na gaganapin din sana ngayong buwan.

Facebook Comments