NCR, pinasasailalim sa Alert Level 5 ng mga health professional

Naniniwala ang grupo ng mga health professional na dapat ay nasa pinakamahigpit na alert level ng bagong quarantine classification ang Metro Manila.

Ayon kay Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) Spokesperson Dr. Antonio Dans, dapat ay Alert Level 5 ang ipinatupad sa Metro Manila kung ang batayan ay ang sitwasyon ng COVID cases sa rehiyon.

Hindi na dapat aniya hintayin na tumaas ang mga namamatay sa emergency room bago ipatupad ang Alert Level 5.


Iginiit naman ni Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin na dapat ay may mga nakakasa nang plano ang awtoridad sakaling tumaas o hindi magbago ang mga kaso sa gitna ng pagpapatupad ng alert level system.

Nakakabahala aniya ang timing ng pagpapatupad ng alert level system sa Metro Manila lalo na’t puno pa rin ang mga ospital at nagkukulang na ang suplay ng oxygen.

Facebook Comments