NCR Plus bubble, dapat manatili sa MECQ dahil sa presensya ng Indian COVID-19 variant sa bansa

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na manatili sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Metro Manila at ilang kalapit na mga lalawigan hanggang sa katapusan ng Mayo.

Ang posisyon ni Gatchalian ay makaraang makumpirma na nakapasok na sa bansa ang double mutant na Indian variant ng COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, noong hindi pa niya batid na andito sa bansa ang Indian variant ay kumbinsido siya na luwagan na ang quarantine restrictions sa NCR Plus bubble para mapigilan ang tuluyang pagsadsad ng ating ekonomiya.


Pero diin ni Gatchalian, ngayong nasa bansa ang COVID-19 Indian variant ay kailangang ipagpatuloy ang implementasyon ng MECQ upang hindi maulit ang matinding paglobo ng COVID-19 cases tulad ng nangyari noong Pebrero at Marso.

Dagdag pa ni Gatchalian, naging epektibo ang pagpapatupad ng MECQ para mapigilan ang mga pagtitipon at magkakasabay na pagkain na siyang daan sa pagkalat ng virus.

Facebook Comments