NCR Plus bubble, hindi pa naaabot ang pre-surge level

Itinuturing na welcome development ng OCTA Research Team ang pagpapanatili sa General Community Quarantine (GCQ) with restrictions sa National Capital Region (NCR) plus bubble.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong na bagama’t bumababa na ang COVID-19 cases sa Metro Manila at karatig lalawigan, mataas pa rin ang naitatalang daily new cases.

Sa ngayon aniya ay hindi pa rin naaabot ang pre-surge level na 500 cases pababa.


Isang magandang hakbang din aniya ang desisyon ng pamahalaan na palawigin ang travel restriction sa ilan bansa dahil sa banta ng Delta variant.

Facebook Comments