NCR, posibleng itaas sa moderate status sa mga susunod na linggo

Aminado ang Infectious Diseases Expert na si Dr. Rontgene Solante na posibleng itaas sa Alert Level 2 ang COVID-19 alert system sa National Capital Region (NCR) bunsod ng pagtaas ng kaso ng virus.

Ayon kay Solante, batay sa prediction ng OCTA Research Group, mula sa low risk ay posibleng maging moderate ang status sa Metro Manila sa susunod na isa hanggang dalawang linggo.

Ito ay dahil na rin aniya sa pagsipa ng kaso ng COVID-19 dahil sa mga subvariants na BA.4, BA.5 at BA.2.121.1.


Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na mula sa 17 local government units (LGU) sa NCR, 13 ang nakapagtala ng positive two-week growth rate.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bahagyang pagtaas ng COVID infections ay dahil sa mobility ng publiko, presensya ng mga nakakahawang subvariants at paghina ng immunity ng COVID-19 vaccines dahil sa mababang booster shot coverage.

Facebook Comments