Cebu Governor Gwen Garcia, posibleng padalhan ng show cause order ng DILG kaugnay sa pagpapalabas ng EO na hindi na kinakailangang magsuot ng face mask

137

Nanindigan ang Department of the Interior and Local Government o DILG na huwag kilalanin ang inilabas na Executive Order (EO) ni Cebu Governor Gwen Garcia hinggil sa opsyonal na pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar.

Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing III, ipinag-utos na ng DILG sa kanilang mga Regional Office na kausapin si Gov. Garcia upang itama ang nasabing EO.

Giit ni Densing, nasa national publc health emergency pa rin ang bansa kaya dapat pa rin sumunod ang mga LGU sa kautusan ni Pangulong Rodrigong Duterte na magsuot pa rin ng face mask.


Kasabay nito, sinabi ni Densing na kung hindi pa rin susunod si Garcia ay huling hakbang na nila ay padalhan na ito ng show cause order upang pagpaliwanagin.

Facebook Comments