NCR, posibleng nasa ‘very low risk’ na sa COVID-19 sa buwan ng Marso

Inihayag ng OCTA Research Group na posibleng nasa ‘very low risk’ na ang National Capital Region (NCR) pagsapit ng buwan ng Marso.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, maikukumpara ang healthcare utilization rate at reproduction number ng NCR kung saan nasa very low risk na ang rehiyon mula nitong February 17 hanggang 23.

Gayunpaman ay mataas pa rin ang Avarage Daily Attack Rate (ADAR) at positivity rate kung ikukumpara noong December 2021.


Samantala, inaaasahan naman ng OCTA na patuloy na bababa ang kaso ng COVID-19 kung saan nakikitang nagsisimula nang magtungo ang Metro Manila sa green indicator sa susunod na linggo.

Facebook Comments