Russia, naglunsad na ng missile strikes sa Ukraine

Nagsimula na ang Russia na maglunsad ng missile strike sa military command center ng Ukraine sa Kyiv at Kharkiv.

Kasunod ito ng utos ni Russian President Vladimir Putin na paglulunsad ng military operation sa Ukraine.

Nagkaroon din mga pagsabog sa silangang bahagi ng Ukrainian City ng Donetsk.


Batay sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), sinabi ng Russia na nasira na nila ang ilang air base at air defense ng Ukraine.

Habang iginiit ng Ukraine na napabagsak nila ang limang eroplano at isang helicopter ng Russia.

Nauna nang hinimok ng United Nation (UN) si Putin na itigil ang pag-atake sa Ukraine.

Kinondena naman ni US President Joe Biden ang hakbang na ito at sinabing papanagutin ng buong mundo ang Russia sa mga idudulot nitong pinsala at pagkasawi ng mga tao.

Facebook Comments