NCRPO: Bilang ng mga paputok na nakumpiska sa mga isinagawang operasyon, umabot na sa 1.5-K

Umabot na sa halos 1,500 ang bilang ng nakumpiskang ipinagbabawal na paputok sa buong Metro Manila ilang araw bago pagsalubong ng Bagong taon.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), patuloy ang kanilang ginagawang pag-iikot sa iba’t ibang lugar para ma-monitor ang mga gagamit at magpapaputok ng baril maging ng iligal na paputok.

Nakumpiska sa naturang bilang ang Sinturon ni Judas at Goodbye Philippines na 208 na sinundan naman ng kwitis at mga un-identify firecrackers na pumalo sa 1,253.


Kahit paulit-ulit na umano ang paalala ay hindi talaga mawawala ang mga pasaway na gumamit ng mga ito.

Patuloy naman ang ginagawa nilang paalala sa publiko na huwag ng gumamit ng paputok at bumili na lamang ng alternatibong pampaingay at ligtas na salubungin ang 2024 kasama ang buong pamilya.

Facebook Comments