BuCor: Bilang ng mga napalayang PDL, umakyat na sa mahigit 6K

Umakyat na sa 6,821 ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang napalaya ngayong 2023.

Ayon sa Bureau of Correction (BuCor), ang napalaya mula noong December 18 hanggang December 27 ay umabot sa 242.

Kasama sa bilang ang nasa 1,227 ang pinalaya ngayong buwan.


Pinakahuling pinakawalan ay isang political detainee na convicted sa kasong murder ngunit bumaba ang sistensya sa 20-25 years dahil sa kanyang good conduct sa kung saan nakulong sa bilangguan ng anim na taon, pitong buwan at 22 araw.

Isinilbi ang kanyang release order habang naka-confine sa National Kidney Institute dahil ito’y nagkaproblema sa kanyang kidney.

Facebook Comments